Bahagi ng buhay ang pagkatuto. Sa ayaw man natin
O sa gustuhin, tayo ay matututo ng mga bagay
Na minsan
hindi natin gustong matutunan.
At ito ay dahil sa ating mga nararanasan, nakikita
at
Maging ang mga tao sa ating paligid ay
Nakaaapekto sa ating pagkatuto.
Nakatutuwang isa ka sa mga taong
nagturo sa akin ng mga bagay na kahit kailan ay hindi ko pinangarap na
matutunan. Ngunit kahit ganoon, ako pa rin ay lubos na nagpapasalamat sa iyo
sapagkat, itinuro mo sa akin na hindi lahat ng bagay ay aking makukuha. Itinuro
mo rin sa akin na hindi sa lahat ng oras, ako ang uunahin. Sapagkat maaaring
may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa akin. Itinuro mo rin sa akin kung
paano magpakumbaba at humingi ng tawad kahit pa wala kang kasalanan. Dahil sa iyong
mga itinuro sa akin, natuto akong magpakumbaba at magpahalaga sa lahat ng oras.
Ngunit nakalulungkot isipin na, isa
sa mga naging dahilan ng aking pagkatuto ay ang pagpaparamdam mo sa akin na,
ako ay balewala lamang sa’yo. Pinaramdam mo sa ‘kin na wala akong halaga sa’yo.
Na, hindi ako kawalan at tila ayos lamang sa’yo kahit pa mawala ako ng tuluyan
sa buhay mo. Ngunit kahit na ganito ang ipinaramdam mo sa akin, nanatili pa rin
akong mapagkumbaba, palaging umiintindi at nagpapahalaga sa lahat ng oras
sapagkat ito ang iyong itinuro sa akin.
Hanggang sa dumating na lamang ang
oras na ika’y bigla na lamang nawala na naging dahilan ng aking labis na
kalungkutan. At nang ika’y bumalik, labis na kagalakan ang aking nadama ngunit
kasabay nito ang iyong pagbabago’t tila iyong nakalimutan na ako’y tao rin,
nasasaktan. Ngunit hindi ko ‘to ininda sapagkat mas pinili kong intindihan ka’t
unahin ang iyong nararamdaman kaysa aking sarili. Ngunit isang araw, tila ba
gusto talaga akong pasakitan ng tadhana. Ang iyong kaibigan ay nagpadala ng
mensahe sa akin. Mensaheng labis na dumurog sa aking puso na naging dahilan
upang ako’y masaktan ng labis. Sapagkat ang mensaheng ito ay naglalaman ng
iyong kalungkutan. Ikaw raw ay umiiyak dahil iniwan ka niya. Masakit man sa akin,
mas pinili ko pa ring damayan ka. Dala ang kahilingang sana, kahit minsan
iniyakan mo rin ako. Hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan kung ‘di dahil,
ayaw mo akong mawala sa’yo. Bagay na hindi mo nagawa sa akin kahit minsan. Na
sana, magawa mo ring ipakita sa kanya na siya’y hindi kawalan sa’yo katulad ng
ipinakita at ginawa mo sa ‘kin. Sana kahit minsan, nagawa mo ring ipakita sa
kanya na balewala lang siya sa’yo katulad ng ginawa mo sa ‘kin. Mga bagay na
kahit kailan, hindi ko naranasang maramdaman mula sa’yo.
Dahil sa mga ipinaramdam mo sa ‘kin,
kusa kong natutunan na kahit ano pang sakripisyo ang gawin ko, ay balewala pa
rin at hindi sasapat dahil hindi naman ako ang taong gusto mong gumawa nito
para sa’yo. Natutunan ko rin kung paano itago ang tunay kong nararamdaman.
Natutunan ko rin na hindi dapat ako ang palaging nagpapahalaga at
nagpapakumbaba sapagkat kung ito ay iyong gagawin, lalamuni ka lamang ng mga
taong wala ng ibang inisip kundi ang sarili nila. Sapagkat sasaktan ka lamang
nila. Isasantabi at ite-take for granted. Natutunan kong dapat, isipin mo rin
ang iyong sarili at huwag puro iba. Dahil kahit ilaan mo pa ang buong buhay mo
sa pag-intindi, pagpapahalaga at pagpapakumbaba para sa kanya, hindi pa rin
niya magagawang pahalagahan ka katulad ng pagpapahalaga niya sa tao o bagay na
mahalaga sa kanya. Natutunan kong kahit ikaw ang palaging nariyan para sa
kanya, kung hindi naman ikaw ang kailangan o gusto niyang kasama’t kausap,
balewala ka pa rin. Akin ring natutunan na walang permanente sa mundo sapagkat
lahat, nagbabago o kkung hindi naman ay nawawala. Katulad mo na bigla na lamang
nagbago at di kalaunan ay biglang nawala. Ngunit di nagtagal ay bumalik rin.
Dala ang mas malaking pagbabago.
Tunay ngang masakit ang bawat
pagkatuto na ating napagdaraanan. Ngunit ito’y bahagi na n gating buhay kung
kaya wla tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ito. Sa aking pakiwari’y,
sapat na ang iyong mga naituro sa akin. Marahil, marapat lamang na akin na
itong tuldukan sapagkat ako ay labis nang nasasaktan dahil sa mga ipinakikita,
ipinararamdam at ginagawa sa akin mula pa lang nung una hanggang sa bigla ka na
lang nawala at biglang bumalik. Nangako ka na palagi kang nand’yan para sa
‘kin. Ganun din ako sa’yo. Ngunit hindi ko na ito maramdaman magmula nung
nawala ka at biglang bumalik. Ano nga ba naming pinagkaiba ng nand’yan ka sa
wala ka? Alam kong nand’yan ka lang pero parang ang layu-layo mo sa ‘kin. Di
kita maramdaman eh. Nand’yan ka pero parang wala ka na rin. Nangako ako na
hindi ako magsasawang intindihin at unawain ka. Pero, napapagod na ko eh.
Nakakapagod maramdaman na balewala lang ako sa’yo kahit anong gawin ko.
Nasasaktan na ko pero di ko ipinapakita yun sa’yo kasi natatakot akong baka
mawala ka sa ‘kin. Sana pala, pinakita ko na lang no? Mawawala ka rin naman
pala kahit anong gawin ko. At kahit pilitin ko pang i-keep ka.
Tunay
na ang pagkatuto na ating napagdaraanan ay nakakapagod . Marapat lamang na alam natin an gating limitasyon. Kung kaya
ngayon, mas pinili ko na itong tuldukan. Napakasayang matuto ngunit kung ito
rin ang dahilan kung bakit ka nasasaktan, sa aking palagay ay isipin mo muna
kung ito ba’y makatutulong sa iyo o hindi. At kung dapat mo pa ba itong
ipagpatuloy.
Kung
ito’y iyong mababasa, ako’y labis na nagpapasalamat sa iyong mga itinuro sa
akin. Gayon din sa iyong mga ipinakita at ipinaramdam na naging dahilan upang
matutunan ko ng kusa ang maraming bagay. Marahil, ito na ang oras upang
tuldukan ang pagkatutong ito sapagkat ako’y lubos ng nasasaktan dahil sa iyo at
sa iyong mga ginagawa, ipinakikita at ipinararamdam sa ‘kin. Madrama mang
pakinggan o basahin, pero lahat ng pangako ko ay totoo. Kung kailangan mo ko,
magtext ka lang o tumawag. O di naman kaya’y magchat. At pangako. Agad agad ang
tugon ko. Sobrang halaga mo sa ‘ikn para magawa kitang tiisin at i-set aside.
Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para mag-sori sa lahat ng nagawa kong
kasalanan o kakulangan. Salamat rin sa lahat ng mga tinuro mo sa ‘kin. Gano’n
din sa mga alaala ng nakalipas na nakasama kita at naging sandalan sa mga
panahong kailangan ko ng sandalan at makakapitan. Babaunin ko ang masasayang
alaalang ito hanggang dumating ang araw na ako’y bigla na lamang mawala. At
kung dumating na ang araw na ito, isa lamang ang aking kahilingan. Yun ay ang maging
Masaya ka para sa akin. Lubos ko itong ikagagalak kung bibigyan mo ng katuparan
ang kahilingang ito para sa akin.
Lubos
na gumagalang, ang iyong Bestfriend (Kung ako pa nga iyon.)
Ang
pagkatuto sa mga bagay bagay ay maaaring magbigay sa atin ng kasiyahan o maging
dahilan upang tayo ay masaktan. Nasa atin pa rin ang desisyon kung ano ang
pipiliin natin sapagkat mas maganda pa ring matuto kung ika’y tunay na Masaya
at walang iniindang kahit na anong sakit.
No comments:
Post a Comment