Friday, January 1, 2016

Ang Pabidang si Bubay Bubuyog (Sariling Likha)



             Si Bubay Bubuyog ay nag-aaral sa Animalia Elementary School. Siya ay nasa Ikatlong baitang na at kabilang sa Section Insekto. Hindi masasabing siya ay matalino ngunit hindi rin naman bobo. May dalawa rin siyang matalik na kaibigan. Sina Nila Langaw at Mae Lamok. Masyadong pabida si Bubay Bubuyog. Kaya naman maraming naiinis sa kanya.

            Isang araw, nagkaklase ang kanilang guro na si Ginoong Don Tutubi tungkol sa mga produktong nagmula sa mg karne ng hayop at ipinaliwanag niya ang ilan sa mga batas ng tao tungkol sa mga karne na dapat lamang katayin.

            “Makukulong ang isang taong mahuhuling pumatay o nagkatay ng aso o pusa. Isa iyan sa mga batas ng tao.” Sabi ni Ginoong Don Tutubi. Samantala, sa bandang likod naman ay nagtatalo ang magkakaibigang sina Bubay Bubuyog, Nila Langaw at Mae Lamok. 

“Nila, ‘di ba paborito mo ang hotdog?” Sabi ni Mae Lamok.
“Oo. Bakit?” Tugon naman ni Nila Langaw.
“Alam mo ba kung saan gawa ang hotdog?” Tanong naman ni Mae Lamok.
“Sa dog. Kaya nga hotdog eh!” Bigla namang sabat ni Bubay Bubuyog.
“Hindi kaya! Gawa ‘yon sa mga karne ng hayop na sinasabi ni Sir!” Sagot naman ni Nila
Langaw.
“Hindi nga! Tama ang sinasabi ko! Gusto mo itanong pa natin kay Sir?” Sabi ulit ni
Bubay Bubuyog.
“Mabuti pa nga at nang hindi na kayo nagtatalong dalawa!” Sabi na lamang ni Mae
Lamok.
Bigla na lamang nagtaas ng kamay si Bubay Bubuyog at nagtanong kay Ginoong Don Tutubi:
“Sir, ang hotdog po ay gawa sa aso. Hindi po ba?” Nagtawanan ang lahat ng mga kaklase ni Bubay dahil sa kanyang itinanong. Sinaway naman ni Ginoong Don Tutubi ang mga mag-aaral na nagkakagulo at tawang-tawa dahil sa tinanong ni Bubay.
“E, sir. Bakit po ang mga hotdog vendors, hindi nakukulong?” Takang pagtatanong ni Bubay Bubuyog.
“Ano?” Taka at gulat namang tugon ni Ginoong Don Tutubi sa ikalawang tanong ni Bubay Bubuyog.
“E, kasi po dib a kapag nagkatay ng dog, magiging hotdog na ‘yon?” Lalo pang nagtawanan ang mga kaklase ni Bubay Bubuyog dahil sa kaniyang mga tanong.
“Hindi, Bubay. Ang hotdog ay gawa sa karne ng baboy o baka.” Natatawa namang tugon ni Ginoong Don Tutubi sa kanyang mag-aaral na si Bubay Bubuyog.

            Mula noon, ay hindi na muli pang nagmarunong si Bubay Bubuyog. At ang lahat lamang ng kanyang nalalaman ang kanyang sinasabi at isinasagot sa mga tanong ng kanyang mga kaklase. At nakasundo na rin niya ang iba pa niyang mga kaklase na noo’y naiinis sa kanya.


Aral:
            H’wag masyadong magmarunong dahil hindi naman lahat ng bagay ay alam natin.

No comments:

Post a Comment