Wednesday, March 2, 2016

Sa Pagdaan ng Pulang Kotse




       Shouldn’t have walked away, I would’ve stayed if you’d say... We could’ve made everything okay, but we  just...

Nasa labas ako ng bahay namin, nakaupo habang nakikinig sa tugtuging ‘yan.

Threw the blame, back and forth... We treated love, like a sport, final blow... Hit so low I’m still, on the ground...

Nang biglang may pulang kotseng dumaan sa harap ko na naging dahilan para bumalik sa aking gunita ang isang napakasayang alaala.

Couldn’t have prepared myself for this fall... Shattered in pieces curled on the floor, super natural love conquers all... Remember we, used to touch the sky...

Ganitong oras din ‘yon. Ganitong araw din. Sa tabing kalsada rin. Galing ako noon sa bahay nina Gian tapos napadaan ako sa school kung saan ako grumadweyt ng elementary. Nang makatanggap ako ng isang text message galing sa Best friend ko.

“Espren, nasa’n ka? Nakauwi ka na ba?” Sabi niya sa text niya sa ‘kin. “Hindi pa. Nandito pa ko sa tapat ng Fortune Elementary School. Bakit? Ikaw? Nakauwi ka na?” Reply ko naman sa kanya. Naghihintay ako ng tricycle nang muli akong makatanggap ng text message mula pa rin sa Best friend ko. “Anong ginagawa mo dyan? Hintayin mo ko. Sunduin na kita. Pauwi pa lang ako.” Sabi niya sa text niya. Sabi ko naman, “Sige. Ingat ka, Espren ko.” Magkakalahating oras na kong naghihintay sa kanya pero wala pa ring Ron na dumarating. Maski anino niya, wala. Kaya naman, umupo na lang muna ako sa waiting shed at doon naghintay sa kanya. Maya-maya pa’y muli akong nakatanggap ng text message mula ulit sa Best friend ko. “Espren, sorry. ‘Di na kita masusundo. Maglalaro kami ng dota e.” Sabi n’ya sa text n’ya sa’kin. Masama man ang loob ko’y nagpanggap akong parang wala lang sa’kin ang nangyari. “Sige. Okey lang.” Reply ko naman sa kanya. Maya-maya pa’y nakatanggap akong muli ng text. “Eriz, nasa’n ka? Nakauwi ka na ba?” Pagtatanong ni Kiel sa kanyang text message. “Hindi pa e. Nandito pa ko sa tapat ng F.E.S. Bakit?” Tugon ko naman sa tanong n’ya. “Anong ginagawa mo dyan? Sinong kasama mo?” Tanong n’yang muli. “Ako lang. Pauwi na ko.” Reply ko naman sa kanya. Muli akong nakatanggap ng text mula sa Best friend kong si Ron, saying his sorry. Kasunod ng text na iyon ang text ni Kiel na nagsasabing susunduin na lang daw n’ya ko’t hintayin ko s’ya. Kaya naman, agad ko s’yang nireplyan. “Sige, Kiel. Sunduin mo na lang ako. Nandito ako sa tapat ng waiting shed sa F.E.S.” Ngunit sa halip na, kay Kiel ko mai-send ang text message na iyon, aksidenteng na-send ko iyon sa Best friend kong si Ron na noo’y wala na kong balak na replyan pa. “Shunga-shunga, Eriz! Hay, naku! Giyera na naman ‘to panigurado!” bulong ko sa sarili kong kinakabahan. Lalo pang nadagdagan ang aking kaba nang makatanggap akong muli ng isang text message mula kay Ron. “Nagpasundo ka kay Kiel? Sabihin mo sa kanya, wag ka na n’yang sunduin. Ako na ang susundo sa’yo. Hintayin mo ko dyan. Papunta na ko.” Sabi n'ya sa text. Hindi mapigil ang pagsilay ng mga ngiti sa aking labi. Himala! Hindi s’ya nagalit. At ano ‘to? Ayaw n’yang si Kiel ang magsundo sa’kin? Bumabait na ang Best friend ko. Sabi ko sa isip ko.. 

        Makalipas pa ang ilang sandali ay dumating na si Ron. Noong una, akala ko’y galit s’ya ngunit hindi naman pala. Sa halip, matamis na ngiti ang sa aki’y inihandog n’ya. Kasabay ng matamis na ngiting iyon, sa paglalakad namin sa daan, bigla na lang s’yang nag-stram sa gitarang dala-dala n’ya’t inawit ang kantang “Byahe”. Muli, ang pagsilay ng ngiti sa aking labi ay hindi na naman mapigil.

C’mon babe can’t our love be revived, bring it back and we gonna make it right... I’m on the edge just tryin’ to survive, as the angels cry...

Pak! Bigla na lang akong nakaramdam ng pananapok. Na naging dahilan naman para bumalik ako sa realidad. “Aray naman!” Sabi ko. “Iniisip mo na naman yung nangyari 3 years ago? Anong petsa na, ‘te? Ano? ‘Di na nakamove-on? Na-stock ka na sa nakaraan? Uso magmove on, ‘te! Galaw galaw baka ma-stroke ka dyan!” Pagbibirong sabi ni Jhamille. Ang Best friend kong palaging nariyan para sa’kin at hindi nang-iwan. Palagi na lang n’ya kong sinusuportahan, dinadamayan at syempre, binabatukan para magising sa katotohanan. “Hindi. Naalala ko lang s’yang bigla. Ewan! Bigla s’yang nasagi sa isip ko e. Bakit? Bawal?” Sagot ko naman sa kanya. “Para sa’yo, oo!” Nakangiti n’yang sabi. “Grabe ka sa’kin, bhest! Nasa batas ba yan? Diskriminasyon yan! Wala na ba kong kalayaan ngayon?” Sabi ko sa kanya. “Actually, kagagawa lang ng batas ngayon-ngayon lang. May kalayaan ka naman e. Pero hindi ang balikan ang mga alaalang minsan nang nakasakit sa’yo.” Sabi niya sa’kin at saka umupo sa tabi ko. In her serious face, she said: “Alam mo, mahirap nga ‘yang sitwasyon mo. Oo nga’t successful ka na pero alam ko, pakiramdam mo, hindi ka kumpleto’t may kulang. Kasi at the top of your success, wala dun yung taong gusto mong pag-share-an ng success mong ‘yan. Kasi, wala yung taong isa sa mga naging inspirasyon mo para maabot ‘yan. Isa pa, lalong nagpapahirap sa’yo yung mga nangyari sa inyo in the past. Iniwan at itinaboy ka kasi n’ya ng hindi mo alam ang rason hanggang ngayon. Kaya siguro may mga pagkakataong naaalala mo pa rin s’ya. Siguro kung masasagot lahat ng mga tanong mo, matatauhan ka na! Sabi nga kasi nila, ‘The most painful goodbye are those the one that left unreasonable.’ Mahirap nga namang tanggapin ang isang bagay lalo na kung hindi mo alam yung dahilan.” Sabi ni Jham sa’kin. Ako naman, napapangiti lang at nakayuko. Nangingiti dahil ‘di ko man maamin sa sarili ko, tama si Jham. “Alam mo, mabuti pa, pumasok ka na sa loob ng bahay and enjoy the party. Bhest, enjoy your success kahit wala s’ya. Oo, alam kong mahirap. Sabi nga nila, ‘Mas maa-appreciate mo yung success mo kung ibabahagi mo yun sa mga taong kasama mong nangarap at tumupad nun.’ Pero, Eriz iba yung kaso n’yo. Kasama mo lang s’yang nangarap but along the way, iniwan ka n’ya sa ere. Wag mo naman sanang ikulong ‘yang sarili mo sa nakaraan. ‘Di na s’ya babalik so, move on! Wag mong hayaang puro kalungkutan na lang ‘yang nararamdaman mo’t iniwan ka na ng kaligayahan mo.” Dagdag pa n’ya. Tapos saka tumayo. “Papasok na ko sa loob ng bahay. Sumunod ka na ha? Hinihintay ka na nila. It’s your celebration so have fun! Enjoy every little piece of your success!” Nakangiti n’yang sabi at tuluyan na ngang pumasok sa loob ng bahay.

       Muli, sa’king pag-iisa, sa saliw ng tugtuging kasalukuyan tumutugtog, unti-unti na naman akong dinala’t ibinalik nito sa nakaraan. May gumuhit na namang sakit sa aking puso. At naalala na namang muli ang masakit na kahapon.

       Baby I missin’ you... Don't allow love to lose, we gotta ride it through... I'm reaching for you...

“Lumayo ka na sa’kin! ‘Wag ka nang magtext! Nag-aaway kami ng Girlfriend ko dahil sa’yo. So, please... Stay away from me and get out of my life!” Sabi n’ya sa text message n’ya nang araw na ‘yon. Sa sakit nang mga salitang binitiwan n’ya’y, hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Anong nangyari? Bakit nagkagano’n? Papa’nong nangyari na pinagseselosan ako ng girlfriend n’ya e, samantalang hindi naman kami nagkakatext. Ni tawag o paggala nga wala e. Anong ginawa ko?” Sunod-sunod kong tanong sa aking sarili. “Okey. As you wish.” Reply ko naman sa kanyang puno ng pait at sakit ang nadarama. Dati, nakakapag-break s’ya sa Girlfriend n’ya para sa’kin pero ngayon, ako yung itinataboy n’ya para sa babaeng yun. Siguro nga, mahal mo talaga s’ya. I need to set him free. Lord, thank you for giving me such a wonderful person like him. Please, make him happy more than I’d ever wish for him. Give him the best that you can give for him. Hiling ko na lang para sa kanya as I prayed.

Sa paglipas ng mga araw na nagdaan, natuto akong bumangong muli at masanay na wala ang taong dating sandigan at karamay ko. The one who cheered me up when I'm feeling down. Lahat ng ginagawa ko, para sa kanya. Pero, sa haba ng byahe o paglalakbay, ang bawat isa ay hindi maiwasang hindi makaramdam ng pagod at magpahinga o sumuko. Sa pagpapatuloy ko, aking napagtanto na, dapat ko nang pakawalan at tanggapin ang mga bagay na wala na’t magpokus sa mga bagay na meron ako.

Hindi pala lahat ng pagsuko ay nangangahulugan ng pagkatalo o pagkabigo. Minsan, ito pala ay hudyat pa lamang ng pagsisimula ng bagong yugto ng ating buhay. Ang sakit at pait na aking naramdaman sa kanyang pagkawala ay napalitan ng labis na kasiyahan. Kung iniwan n’ya ko noong dapang-dapa, ngayon, ako’y nasa tugatog na ng tagumpay. Salamat sa sakit at pait na idinulot n’ya. Ito ang naging inspirasyon ko upang magpatuloy at lalo pang magsumikap. Sa huli, nagbunga ang lahat ng aking paghihirap at pagsusumikap. Napagtanto ko na, ang mga kabiguan, ang lahat ng pait at sakit ay hindi natin dapat tingnan negatively dahil ibinigay at ipinaranas pala ito sa atin for us to become a better person. Those pains, scars and failures are the ones that will lift us into success. Nasa atin na lamang kung papa’no natin iyon tatanggapin.

Lightning don’t strike, the same place twice...

Nabalik akong muli sa realidad nang biglang may naglakad patungo sa akin. Bigla akong natigilan nang maaninagan ko kung sino ang lalaking ‘yon. Nagbalik ang lalaking itinuturing ko nang bahagi ng aking nakalipas. “Anong ginagawa mo rito?” Sabi ni Jhamille na bigla na lamang lumabas ng bahay at lumapit sa’min. “Gusto ko lang makausap si Eriz. Pwede ba, Eriz?” Seryoso n’yang sabi na puno ng pagsisisi ang tinig. “Ano bang gusto mo ha? Ron, pwede ba? ‘Wag ka nang manggulo pa! Babalik ka na naman sa buhay n’ya? Ngayon pa kung kailan okey na s’ya nang wala ka?” Sabi ni Jham kay Ron. Oo, si Ron ang bumaba sa pulang kotse. Ang Best friend kong nagtaboy sa’kin. At ang lalaking naging inspirasyon ko rin upang maabot ang rurok ng tagumpay kung nasa’n ako ngayon. “Jham, please... Gusto ko lang siyang makausap. Kahit sandali lang. Please?” Sabi ni Ron na nakikiusap. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Matutuwa? Magagalit? Masasaktan? Gusto ko s’yang tanungin. Gusto kong magalit sa kanya pero ‘di ko magawa. Sa halip, nanatili lang akong nakaupo at nakatitig sa kanya. “No way! She’s really a successful person now. She’s already at the top of her dream. I should thank you for leaving her all alone. Kasi dahil sa’yo, naging napaka-successful n’ya na ngayon. Yes! You left her na dapang-dapa at down na down. Pero dahil sa’yo, naging matatag s’ya at naging successful. And I don’t want you to be the reason ng pagbagsak n’ya! Kapag bumalik ka sa buhay n’ya, sasaktan mo lang ulit s’ya! Don't ruin her life! Stay away from, Eriz and stay out of my bhesties life!” Mariing sabi ni Jham kay Ron. Natauhan ako nang marinig ko ang mga sinabi ni Jham. At saka pa lang ako nakapag-react matapos timbangin ang aking mga nararamdaman. “Okey lang, Jham. Let him. Gusto ko ring masagot yung mga tanong na naka-hang-up pa rin e. Iwan mo muna kami.” Pakiusap ko kay Jham. Agad naman n’ya kong sinunod at hindi na nagprotesta pa.

“Bakit?” Tangi kong nasambit nang magkasarilinan kaming dalawa ni Ron. “It’s been a long time since you pushed me away in your life.” May pait kong ngiti sa kanya. “Sorry... Sorry...” Paulit ulit n’yang sabi. “I made a wrong choice. Hindi dapat kita itinaboy. Sorry...” Diretso s’yang nakatingin sa mga mata ko nang sabihin n’ya ang mga katagang iyon. “You made a promise! Pero hindi mo yun tinupad! I made a promise too. And I did my best just to grant it until you pushed me away. Hindi ko alam kung papa’no ko pa yun tutuparin. At dahil sa promise na ‘yon, naiwan akong mag-isa. You walked away from me habang ako? Naiwang mag-isa’t hindi makaalis. Kasi, na-stock na ko dun e. Ikaw masaya na habang ako nagdurusa pa rin. Ang unfair mo! Ang unfair unfair mo!” Unti-unti na namang tumulo ang masaganang luha mula sa aking mga mata. Lumapit s’ya sa’kin at ako’y pinipilit na ikalma. Sa yakap n’yang mainit, nagpupuniglas na pilit. Pagpapatawad ang tanging hiling ng puso. ‘Di naman nabigo’t ito’y ipinagkaloob ng pusong minsan mang nasakta’y marunong pa ring magpatawad. Kasiyaha’y muling natamo. Sa sandaling oras ng pagsasama’y pinilit sulitin. Ang tanging hiling ng pusong sabik sana’y ‘di na matapos pa. Oras ay tumigil at ‘wag nang umadar pa. Ngunit oras ay nagpatuloy sa pag-ikot. Yaring kaligayaha’y panandalian lamang pala’t may hangganan. Mabilis na natapos, hindi ko namalayan. Makalipas ang ilang saglit, s’ya na’y nagpaalam. Huling pagkikita ang ipinaaalam. Unti-unti, naglakad s’yang papalayo sa akin. Nagtungo sa madilim na eskinita. Pagpigil sa kanya’y ‘di ko na nagawa.

When you and I said goodbye, I felt the angels cry...

Sa’king pag-iisa, muli na naman akong napaisip. Naalalang muli ang mga nangyari. Kung papaanong mula sa pagiging masaya’y napunta sa kalungkutan at sakit. Ngunit sa huli’y natutong bumangon mula sa pagkakadapa. Natutong maging matatag at ngayo’y nasa tugatog na ng tagumpay. Ayos naman sana ang lahat. Yung samahan namin. Marami nga ang naiinggit sa’kin dahil ang tatag raw ng samahan naming mag-Best friend. Back then, para kaming puno ng Narra sa tibay at tatag ng samahan namin. Kahit kasi gaano karaming problema at pagsubok na dumaan ay magkasama namin iyong nilalampasan. ‘Di kami basta natitinag pero ngayon, daig pa namin ang punong nabuwal at dinaanan ng bagyo’t ginawa na lamang panggatong dahil sa rupok. 

True loves a gift, we let it drift... In a storm, every night... I feel the angels cry...

Sa pagdaan ng pulang kotse, matatapos ang lahat. Tila ba paglipas ng oras. Kay bagal sa panahong ako’y labis na nangungulila sa kanya. Ngunit kay bilis namang lumipas sa mga panahong kasama ko s’ya. Unti-unti s’yang naglakad papapalayo at tinahak ang madilim na eskinita.

Ang pulang kotseng iyan, sa buhay maihahalintulad. Hindi natin alam kung sa’n tutungo. Hindi mawari kung anong daan ang tatahakin. At hindi alam kung kailan mawawalan ng gasolina’t hihinto. Ang mahalaga lamang ay palagi tayong may baong pag-asa. Lakas upang magpatuloy at bumangong muli mula sa pagkakadapa. Ito ang nagsisilbing gasolina sa buhay nating tila isang kotse. Nasa atin ang kontrol. Kung anoman ang kahinatnan, sa’tin ang responsibilidad pagkat hawak natin ang manibela. We drive our own life. So be careful on the obstacles that we might encounter along the way. Though we knew that we can’t avoid it, ang mahalaga lang alam natin kung pa’no iyon iha-handle at lulusutan.

Ang pulang kotseng ‘yon ang nagdala’t naghatid sa’yo sa akin. Ngunit s’ya rin palang sayo ay babawi. Ipinahiram ka lamang ng panandalian. Udyok nga yata talaga ng mapaglarong tadhana na tayo’y paglaruan at ako’y pasakitan. Ang sa aki’y ipahiram ka’t ‘di kalauna’y bawiin kapag labis ko nang napahahalagahan. 

Sa pagdaan ng pulang kotse, natapos ang lahat. Sa paglipas nito, unti-unti ako nitong ibinalik sa realidad. Realidad na naging bahagi ka ng buhay ko. At mananatiling bahagi na lamang ng masakit kong nakaraan. Isa ka sa mga taong naging dahilan kung bakit ako naging matatag at nagtagumpay sa buhay. Nakalulungkot lamang isipin na hindi ko maibahagi sa’yo ang tagumpay na alay ko sana sa iyo.

Paunti-unti, nilamon s’ya ng dilim sa pagbagtas n’ya sa madilim na eskinita. Sa pagdaan ng pulang kotse, tuluyan s’yang nawala sa madilim na eskinita. Ibinalik na naman ako nito sa masakit na realidad na wala ka na. At hindi na tayo babalik pa sa dati. Dahil ang lahat nang ito’y mananatiling alaala na lamang sa pagdaan ng pulang kotse.

The angels cry...

Kaibigan, Bakit?





            Naranasan mo na bang magkaroon ng Bestfriend? Yun bang para ng kapatid ang turing niyo sa isa’t isa? Siya yung palagi mong kasama, karamay at nasanay ka na palagi lamang siyang nariyan para sa’yo. Ngunit paano kung bigla na lamang siyang nawala? Yun bang hindi mo alam kung bakit o kung anong nagawa mong pagkakamali para bigla ka na lamang niyang iwan. Kaibigan, bakit?

            Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang, “Kaibigan?” Para sa ilan, ang tunay na kaibigan ay ang taong alam kung kalian totoo at hindi ang ngiting ipinakikita mo sa lahat. Hindi ka magagawang iwanan sa ere. Ngunit para sa akin, ang tunay na kaibigan ay ang taong hinding-hindi ka magagawang iwanan kahit na anong mangyari. Yung taong handa kang tanggapin kahit pa may mali sa’yo’t hindi kanais-nais ang iyong pag-uugali. Yung taong hinding-hindi mo mapagsisinungalingan. Yung taong palagi mong kasama sa kalokohan. Karamay sa lungkot at saya. Katulong sa mga problema at handa kang tanggapin kahit may nagawa ka pang pagkakamali. Ngunit paano kung bigla ka na lamang niyang iwan? Matatawag mo pa kaya siyang kaibigan?

            “Walang iwanan!” Ito ang pangako namin sa isa’t isa ng Bestfriend ko. Ayos naman ang lahat. Kahit nagkaka-Girlfriend siya, ayos lang! Kasi, nariyan pa rin siya palagi para sa akin. Kahit kalian, hindi siya nawala. Naalala ko pa nga, madalas ko siyang ka-text kapag gabi. Pagkauwi namin galing sa paaralan, nagkakamustahan kami kung ano ba ang nangyari sa isa’t isa sa araw na iyon. Mag-oopen ng problema ukol sa pamilya o di naman kaya’y sa buhay pag-ibig. Magpapatulong kung may proyekto o takdang-aralin ang isa na hindi niya kayang gawin ng mag-isa. Magkasamang gumala at magsimba tuwing lingo. Kakulitan at kaasaran sa tuwing magkikita. Hampas at batok pa nga inaabot ko sa kanya sa tuwing kami’y magkasama. At suntok at hampas naman ang inaabot niya sa akin sa tuwing inaasar niya ko at ako’y napipikon sa kanya kapag kami ay magkasama. Ngunit kahit ganito kami sa isa’t isa, kahit kalian ay hindi kami nawala para sa isa’t isa. Nandito kami, handing dumamay at tumulong sa isa’t isa kung malungkot ito at may problemang dinadala. Isa pa sa mga nakatutuwang alaala namin ay, iyong pagtatalo at pag-aaway dahil lamang sa maliit na bagay katulad na lamang no’ng isang beses. Inaway at nagalit siya sa akin dahil ayaw kong kumain. Sinabi niya pang, “Hindi ako kakain hangga’t hindi ka kumakain!” Sa inis ko sa kanya, wala na kong nagawa kundi ang sumunod na lamang at kumain. Ayokong nagagalit siya sa akin. Nasanay akong palagi siyang nariyan para sa akin.

            Lumipas pa ang mga araw, linggo, buwan at taon. Lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa. Hanggang sa dumating yung oras na kinailangan kong mag-stay sa Cubao upang doon panandaliang tumira. Sapagkat ang tiyahin ko na ang magpapaaral sa akin. Ito ay lingid sa kaalaman ng aking Bestfriend. Mas pinili kong huwag na lamang ipaalam sa kanya sapagkat alam kong magagalit lamang siya. Ngunit sadya ngang mapaglaro ang tadhana. Anomang pilit kong tago ay nalaman pa rin niya.  Salamat sa kadaldalan ng nakababata kong kapatid. Nagalit siya sa akin at sinabing, “Kung hindi ka babalik, ibang tao na ang makikilala mo!” Ayaw na ayaw kong nagagalit siya sa akin. Isa pa, natakot rin ako sa sinabi niya kung kaya, agad akong bumalik sa Marikina at agad na humingi ng paumanhin at saka nagpaalam nang maayos sa kanya. Dahil sa maayos na pakiusap ay nagkaayos kami’t pumayag na rin siya.

            Ang pagtira kong ito sa ibang lugar ay hindi naging dahilan upang kami ay mawalan ng ugnayan. Sa halip, mas lalo pa kaming naging malapit sa isa’t isa. Ngunit isang araw, tila naligaw yata kami sa aming usapan. Bigla ko na lamang naalala ang sinabi sa akin ng nakababata kong kapatid na ang aking Bestfriend raw ay may gusto sa akin. Kung kaya, sinabi ko sa kanyang, “Espren, may sasabihin ako sa’yo. Alam mo kasi, mahal kita. Higit pa sa kaibigan, kapatid at bestfriend na turingan natin sa isa’t isa.” Ngunit ang sabi lamang niya ay, “Espren, alam mo naming kapatid lang ang turing ko sa’yo di ba?” Ang sabi ko na lang, “Eto naman. Joke lang naman eh. Sorry kung pinag-praktisan kita ha? Hindi ko kasi masabi sa kanya eh.” Kung alam lamang sana niya na hindi ito joke o biro. Sapagkat sa kanya ko talaga ito gustong sabihin. Ngunit nagalit siya sa aking ginawa. Gusto ko mang aminin na hindi ito joke, wala akong magawa sapagkat hindi maaari. Sapagkat ako’y labis na nasaktan sa kanyang tugon at wala rin naming magbabago kahit pa sabihin ko sa kanya ang totoo. Humingi ako ng tawad at di nagtagal ay nagkaayos rin kami. Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang siyang humingi ng pabor sa akin na kung maaari raw ay ihanap ko siya ng magiging girlfriend niya. Gusto ko mang tumanggi dahil masakit ito para sa akin, wala pa rin akong nagawa kundi ang sumagot ng “Oo.” Inihanap ko siya ng magiging girlfriend niya. Di naman nagtagal at nakahanap ako. Agad silang nagkagustuhan. Hanggang sa naging sila na nga. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi na siya nagpaparamdam. Kung kaya naman, wala na akong nagawa kundi ang maghintay na lamang. Hanggang sa dumating ang oras na nagkomprontahan kami. Itinanong niya sa akin kung bakit hindi raw ako nagpaparamdam. Ang sabi ko na lang, “Mahirap magparamdam sa isang tao lalo na kung alam mong hindi naman ikaw ang kailangan!” Dagdag ko pa, “Sino kayang hindi nagpaparamdam sa ‘tin? Ikaw nga dyan eh! Nagka-girlfriend lang, kinalimutan na ko!” Ngunit sabi niya, “Hindi ako nagte-text kasi hinihintay kitang mag-text.” Nakatutuwa sapagkat naghihintayan lamang pala kami. Naayos namin ang di pagkakaunawaang ito. Ngunit nalaman kong niloloko lamang pala siya ng kanyang kasintahan. Kung kaya gumawa ako ng paraan upang makipaghiwalay ang babaeng ito sa kanya. Masama mang matatawag ay ginawa ko pa rin. Dumating sa puntong pinahirapan ko ang bababeng ito. Lahat na ng kalokohang alam ko ay ginawa ko na sa kanya. Pati nga pang-aagaw ng totoo niyang boyfriend ay ginawa ko na hiwalayan lamang niya ang bestfriend ko. Hindi lamang isa. Ngunit apat na beses ko itong ginawa para sa bestfriend ko. Masama man sa tingin ng iba ay ginawa ko pa rin ito sa tatlo pang mga babaeng sumunod na naging girlfriend niya ngunit niloloko lamang siya. Ang lahat ng ito ay lingid sa kanyang kaalaman.

            Sa paglipas ng araw, linggo at buwan ay naging maayos ang lahat. Hanggang sa isang araw ay nagkayayaan kami ng kamag-aral kong lalaki at nadayo nga kami sa lugar na Bestfriend ko. Sa kasamaang palad ay nakita niya kami at nagalit siya. Kinagabihan ay inaway niya ko kung kaya naman agad akong humingi ng tawad at sinabing gagala na lamang kami kinabukasan. Ngunit hindi siya pwede kung kaya, nag-aya na lamang ako ng iba. Muli na naman siyang nagalit. Hanggang sa umabot sa puntong, kinausap ako ng kabarkada niyang lalaki. Sinabihan niya ko ng tanga at manhid. Na, nakikipag-break daw ang bestfriend ko sa girlfriend niya dahil sa akin. Naguluhan ako sa kanyang mga sinabi  kung kaya naman tinanong ko ang bestfriend ko. Nakiusap kung maaari ko bang makausap muli ang kanyang kabarkada ngunit nagalit na naman siya. Ang sabi niya’y, “Ayaw mo na kong katext kaya yung kabarkada ko naman yung gusto mong ka-text?” Ang sabi ko naman, “Hindi. May itatanong lang ako sa kanya.” Ang sagot naman niya’y, “Bat hindi mo nalang sa ‘kin itanong?” Sa inis ko’y ang sabi ko sa kanya’y, “Bakit kapag sa’yo ko ba tinanong, magsasabi ka ba ng totoo? Yung walang halong trip at biro. Yung puro katotohanan lang isasagot sa ‘kin?” Ang sagot naman niya’y, “Kilala mo ko. Kapag seryoso, seryoso.” Dahil dito’y tinanong ko siya. Ang sabi ko’y, “Totoo ba yung sinasabi ng kabarkada mo na nakikipag-break ka sa girlfriend mo dahil sa ‘kin?” At sagot niya’y, “ Totoo yun, Kasi mas mahalaga ka kesa sa kanila kasi, mahal kita.” Ang sabi ko naman, “Syempre mahal mo ko. Bestfriend mo kaya ako.” Pamimilosopo ko sa kanya. Pero ang sabi niya, “Mahal kita. Higit pa sa iniisip mo.” Di nagtagal at inamin ko na rin ang nararamdaman ko para sa kanya.

            Matapos ang gabing iyon ay naging maayos ang lahat. Hanggang sa pinaglaruan na naman kami ng tadhana. Nakipaglaro kami dare. Sa kasamaang palad ay siya ang huling taong nagreply at ang consequence nito ay magiging kami sa loob ng 100 days. Naging kami nga. Palagi ko siyang kasama at kausap sa lahat ng oras. Naging masaya kami. Ngunit sa ‘di inaasahang pangyayari ay bigla na lamang nagbago ang lahat. Ika-27 ng Oktubre taong 2013. Ang huling araw na nakasama ko siyang gumala at gawin ang dati naming ginagawa. Kung alam ko lamang sana na iyon na ang huling araw na makakasama ko siya, edi sana nagpakasaya na akong kasama siya. Matapos ang araw na iyo ay hindi na siya muling nagparamadam sa akin. Hindi na ko muling nakatanggap ng text o tawag mula sa kanya. Hanggang sa nagpalit na nga ako ng number at agad naming plinug ng aking kaibigan ang bago kong number ngunit code name lamang ang pakilala sa akin. Nagulat na lamang ako ng may pamilyar na number ang nagtext sa akin. Tunay ngang mapaglaro ang tadhana sapagkat ang Bestfriend ko pa ang nagtext. Matapos kaming magkaalaman ng totoong pangalan ng isa’t isa ay bigla na lamang siyang hindi na muling nagparamdam.

            Dumating ang ika-19 ng Nobyembre taong 2013. Araw kung kailan ako isinilang. Nakalimutan ng Bestfriend ko ang Birthday ko. Hindi pa rin siya nagpaparamdam. Ang mga oras ay naging araw. Dumaan ang mga araw at ito’y naging linggo at di nagtagal, ito’y naging buwan. Ngunit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Sa totoo lang, miss na miss ko na ang dati kong  Bestfriend. Yung kakulitan ko, Yung palagi kong napupuntahan sa tuwing nasasaktan ako. Yung palaging nadiyan para sa ‘kin. Yung palaging nagpapatawa o nagpapangiti sa ‘kin kapag malungkot ako o kaya galit ako. Yung karamay ko sa lungkot at saya. Yung Bestfriend ko na hindi ko mapagsisinungalingan. Bigla na lamang siyang nag-iwan. Hindi ko alam kung bakit o kung anong ginawa ko. Basta, ang alam ko. Nagising na lang ako isang araw na wala na siya. Iniwan na ko ng Bestfriend ko. Gustuhin ko mang bumalik kami sa dati, hindi na pwede. Kasi, hindi ko na mababalik yung dati.

            Sa paggunita ko sa nakaraan, napapaisip pa rin ako kung ano ba talagang nangyari. May masama ba kong nagawa sa kanya? Nasabing hindi niya nagustuhan? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Wala naman akong naaalala na nasaktan ko siya. Wala nga ba? Bakit niya ba ko sinasaktan ng ganito? Napakasakit isipin na ang taong kasama kong nangakong “Walang iwanan!” ay bigla na lamang nawala. Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan. Sinubukan ko siyang tanungin ngunit ang sabi lamang niya ay, “HINDI KO ALAM!” Wala akong nakuhang sagot kung bakit bigla siyang nawala.

Sabi nga nila, “Past remains in the past in the past. But pain haunts you in the present.” Bakit ba may mga bagay na kahit pilit mong kalimutan ay naaalala mo pa rin? At sa pagbalik ng alaalang ito, ay patuloy ka pa ring nasasaktan. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari. Bestfriend ko pa ang bigla na lamang nang-iwan sa akin. Ang masakit ay hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala niyang ito.

Sa tuwing ginugunita ko ang nakalipas ay nasasaktan ako nito ng sobra. Tila ba ginuguhitan at sinusugatan nito ang aking puso. Noon, napakasaya namin kahit pa nasasaktan ako ng sobra sa tuwing nase-set aside niya ko sa tuwing magkaka-girlfriend siya. Pero ngayon, mas masakit kasi hindi ko pa rin maintindihan kung paano kami napunta sa ganitong set-up. Sa napakasakit na sitwasyong ito. Bakit ba kami nagkaganito? Pakiramdam ko’y, ako ang may kasalanan. Kung hindi siguro ako sumali sa dare at pumayag na maging kami, hindi siguro magiging ganito ang sitwasyon namin. Mukha akong tanga. Pinipilit kong ibalik ang dating kami habang siya, layo nang layo sa akin. Disappointment. Yan ang nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari noon. Nadidisappoint ako dahil nakikita yung sitwasyon namin noon at ngayon. Ang layo-layo na namin sa dati. Noon, para kaming isang matayog at matibay na puno. Pero ngayon, daig pa namin ang binagyong puno na natumba at ginawa na lamang panggatong. Sana, kaya kong basahin ang mga iniisip niya. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya at kung bakit siya bigalang nag-iwan. Puro na lang kasi, “BAKIT?” ang nasa utak ko.

Sa tuwing napapadaan ako sa mga lugar na palagi naming pinupuntahan at tinatambayan eh, nasasaktan ako ng sobra kahit pa mag-iisang taon na ngayon ang nakalilipas mula nang mangyari iyon. Hindi ko na maalala kung gaano kami kasaya dati. Hindi ko na maimagine kung paano kami tumawa dati. Ngayon? Wala na. Ang alam ko na lang ay wala na yung dati kong Bestfriend at kahit kailan, ay hindi na siya babalik pa. ‘Pag iniisip ko ang sitwasyon namin ay lalo lamang akong nasasaktan. Hindi ko alam. Wala na kong maintindihan. Basta, ang sakit-sakit na ng mga nangyayari.

Matapos ang mga pangyayaring ito na sumubok at nagpabago sa akin, isang bagay lamang ang natutunan ko. “Cherished every single moment that you’re with the person you loved.” Dapat i-enjoy natin yung mga oras na kasama natin sila. Hindi natin alam, baka ‘yon nap ala yung huling oras na makakasama natin sila. Dapat rin, pahalagahan natin sila para hindi tayo magsisi sa huli. Wag natin silang i-take for granted at i-set aside. Wag natin silang saktan kasi mas masakit kapag sila na yung nawala sa ‘tin. Samakatuwid, itinuro sa akin ng karanasang ito kung paano bumangong muli anoman ang hirap na ating pinagdaanan. Marapat lamang na matuto tayong maging matapang at matatag upang balikan ang gunita ng nakalipas at harapin ang hamon ng darating na bukas. Nawa’y ang akdang ito ay maging inspirasyon at hamon sa mambabasa na matutong pahalagahan ang mga taong mayroon sila ngayon.

Pagkatuto





Bahagi ng buhay ang pagkatuto. Sa ayaw man natin
O sa gustuhin, tayo ay matututo ng mga bagay
 Na minsan hindi natin gustong matutunan.
At ito ay dahil sa ating mga nararanasan, nakikita at
Maging ang mga tao sa ating paligid ay
Nakaaapekto sa ating pagkatuto.

            Nakatutuwang isa ka sa mga taong nagturo sa akin ng mga bagay na kahit kailan ay hindi ko pinangarap na matutunan. Ngunit kahit ganoon, ako pa rin ay lubos na nagpapasalamat sa iyo sapagkat, itinuro mo sa akin na hindi lahat ng bagay ay aking makukuha. Itinuro mo rin sa akin na hindi sa lahat ng oras, ako ang uunahin. Sapagkat maaaring may mga bagay na mas mahalaga pa kaysa sa akin. Itinuro mo rin sa akin kung paano magpakumbaba at humingi ng tawad kahit pa wala kang kasalanan. Dahil sa iyong mga itinuro sa akin, natuto akong magpakumbaba at magpahalaga sa lahat ng oras.

            Ngunit nakalulungkot isipin na, isa sa mga naging dahilan ng aking pagkatuto ay ang pagpaparamdam mo sa akin na, ako ay balewala lamang sa’yo. Pinaramdam mo sa ‘kin na wala akong halaga sa’yo. Na, hindi ako kawalan at tila ayos lamang sa’yo kahit pa mawala ako ng tuluyan sa buhay mo. Ngunit kahit na ganito ang ipinaramdam mo sa akin, nanatili pa rin akong mapagkumbaba, palaging umiintindi at nagpapahalaga sa lahat ng oras sapagkat ito ang iyong itinuro sa akin.

            Hanggang sa dumating na lamang ang oras na ika’y bigla na lamang nawala na naging dahilan ng aking labis na kalungkutan. At nang ika’y bumalik, labis na kagalakan ang aking nadama ngunit kasabay nito ang iyong pagbabago’t tila iyong nakalimutan na ako’y tao rin, nasasaktan. Ngunit hindi ko ‘to ininda sapagkat mas pinili kong intindihan ka’t unahin ang iyong nararamdaman kaysa aking sarili. Ngunit isang araw, tila ba gusto talaga akong pasakitan ng tadhana. Ang iyong kaibigan ay nagpadala ng mensahe sa akin. Mensaheng labis na dumurog sa aking puso na naging dahilan upang ako’y masaktan ng labis. Sapagkat ang mensaheng ito ay naglalaman ng iyong kalungkutan. Ikaw raw ay umiiyak dahil iniwan ka niya. Masakit man sa akin, mas pinili ko pa ring damayan ka. Dala ang kahilingang sana, kahit minsan iniyakan mo rin ako. Hindi dahil sa kung ano pa mang dahilan kung ‘di dahil, ayaw mo akong mawala sa’yo. Bagay na hindi mo nagawa sa akin kahit minsan. Na sana, magawa mo ring ipakita sa kanya na siya’y hindi kawalan sa’yo katulad ng ipinakita at ginawa mo sa ‘kin. Sana kahit minsan, nagawa mo ring ipakita sa kanya na balewala lang siya sa’yo katulad ng ginawa mo sa ‘kin. Mga bagay na kahit kailan, hindi ko naranasang maramdaman mula sa’yo.

            Dahil sa mga ipinaramdam mo sa ‘kin, kusa kong natutunan na kahit ano pang sakripisyo ang gawin ko, ay balewala pa rin at hindi sasapat dahil hindi naman ako ang taong gusto mong gumawa nito para sa’yo. Natutunan ko rin kung paano itago ang tunay kong nararamdaman. Natutunan ko rin na hindi dapat ako ang palaging nagpapahalaga at nagpapakumbaba sapagkat kung ito ay iyong gagawin, lalamuni ka lamang ng mga taong wala ng ibang inisip kundi ang sarili nila. Sapagkat sasaktan ka lamang nila. Isasantabi at ite-take for granted. Natutunan kong dapat, isipin mo rin ang iyong sarili at huwag puro iba. Dahil kahit ilaan mo pa ang buong buhay mo sa pag-intindi, pagpapahalaga at pagpapakumbaba para sa kanya, hindi pa rin niya magagawang pahalagahan ka katulad ng pagpapahalaga niya sa tao o bagay na mahalaga sa kanya. Natutunan kong kahit ikaw ang palaging nariyan para sa kanya, kung hindi naman ikaw ang kailangan o gusto niyang kasama’t kausap, balewala ka pa rin. Akin ring natutunan na walang permanente sa mundo sapagkat lahat, nagbabago o kkung hindi naman ay nawawala. Katulad mo na bigla na lamang nagbago at di kalaunan ay biglang nawala. Ngunit di nagtagal ay bumalik rin. Dala ang mas malaking pagbabago.

            Tunay ngang masakit ang bawat pagkatuto na ating napagdaraanan. Ngunit ito’y bahagi na n gating buhay kung kaya wla tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ito. Sa aking pakiwari’y, sapat na ang iyong mga naituro sa akin. Marahil, marapat lamang na akin na itong tuldukan sapagkat ako ay labis nang nasasaktan dahil sa mga ipinakikita, ipinararamdam at ginagawa sa akin mula pa lang nung una hanggang sa bigla ka na lang nawala at biglang bumalik. Nangako ka na palagi kang nand’yan para sa ‘kin. Ganun din ako sa’yo. Ngunit hindi ko na ito maramdaman magmula nung nawala ka at biglang bumalik. Ano nga ba naming pinagkaiba ng nand’yan ka sa wala ka? Alam kong nand’yan ka lang pero parang ang layu-layo mo sa ‘kin. Di kita maramdaman eh. Nand’yan ka pero parang wala ka na rin. Nangako ako na hindi ako magsasawang intindihin at unawain ka. Pero, napapagod na ko eh. Nakakapagod maramdaman na balewala lang ako sa’yo kahit anong gawin ko. Nasasaktan na ko pero di ko ipinapakita yun sa’yo kasi natatakot akong baka mawala ka sa ‘kin. Sana pala, pinakita ko na lang no? Mawawala ka rin naman pala kahit anong gawin ko. At kahit pilitin ko pang i-keep ka.

            Tunay na ang pagkatuto na ating napagdaraanan ay nakakapagod    . Marapat lamang na alam natin an gating limitasyon. Kung kaya ngayon, mas pinili ko na itong tuldukan. Napakasayang matuto ngunit kung ito rin ang dahilan kung bakit ka nasasaktan, sa aking palagay ay isipin mo muna kung ito ba’y makatutulong sa iyo o hindi. At kung dapat mo pa ba itong ipagpatuloy.

            Kung ito’y iyong mababasa, ako’y labis na nagpapasalamat sa iyong mga itinuro sa akin. Gayon din sa iyong mga ipinakita at ipinaramdam na naging dahilan upang matutunan ko ng kusa ang maraming bagay. Marahil, ito na ang oras upang tuldukan ang pagkatutong ito sapagkat ako’y lubos ng nasasaktan dahil sa iyo at sa iyong mga ginagawa, ipinakikita at ipinararamdam sa ‘kin. Madrama mang pakinggan o basahin, pero lahat ng pangako ko ay totoo. Kung kailangan mo ko, magtext ka lang o tumawag. O di naman kaya’y magchat. At pangako. Agad agad ang tugon ko. Sobrang halaga mo sa ‘ikn para magawa kitang tiisin at i-set aside. Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para mag-sori sa lahat ng nagawa kong kasalanan o kakulangan. Salamat rin sa lahat ng mga tinuro mo sa ‘kin. Gano’n din sa mga alaala ng nakalipas na nakasama kita at naging sandalan sa mga panahong kailangan ko ng sandalan at makakapitan. Babaunin ko ang masasayang alaalang ito hanggang dumating ang araw na ako’y bigla na lamang mawala. At kung dumating na ang araw na ito, isa lamang ang aking kahilingan. Yun ay ang maging Masaya ka para sa akin. Lubos ko itong ikagagalak kung bibigyan mo ng katuparan ang kahilingang ito para sa akin.

            Lubos na gumagalang, ang iyong Bestfriend (Kung ako pa nga iyon.)

            Ang pagkatuto sa mga bagay bagay ay maaaring magbigay sa atin ng kasiyahan o maging dahilan upang tayo ay masaktan. Nasa atin pa rin ang desisyon kung ano ang pipiliin natin sapagkat mas maganda pa ring matuto kung ika’y tunay na Masaya at walang iniindang kahit na anong sakit.

Friday, January 1, 2016

Tamis at Pait Nitong Pag-ibig (Sariling Likha)




Sa’yong pagdating, puso’y hinango
Tinulungang makabangon
Sa kalungkutang kinasadlakan
At sa puso’y inihandog yaring kagalakan

Yaring kaligayaha’y ‘di hiniling
Ngunit natamo sa’yong piling
Halik mong kay tamis,
Sa kasinungalingan pala’y bihis!

Panandalian lang pala yaring kaligayahan
Kay bilis nawala, hindi ko inasahan
Sa katotohanan, isip ay nalantad
Yaring pag-ibig pala’y huwad

Kasabay nang ‘yong pagbitaw,
Sa akin ang lumayo’y ikaw
Puso’y iniwang wasak
Puno ng dusa’t umiiyak

Mahihigpit mong mga yakap,
Patuloy kong hinahanap-hanap
Palad mong kay init
Kinalilimutang pilit

Sa matamis mong halik,
Patuloy na nasasabik
Sa gunita’y ‘di mawaglit,
Iwinawaksing pilit

Pangarap nating sa pag-abot ay kay lapit.
Kasawiang-palad lamang ang sinapit
Patuloy na naaalala
‘Pagkat sayo’y nangungulila

Yaring pag-ibig sa kape’y maihahalintulad
Pait ay matitikman kung sinawing-palad
Mararanasan naman’y tamis
Kung pag-ibig ay ubod linis